3:21AM

Salungat ang diwa at damdamin
Baluktot ang isip at hangarin
Sa kaliwa'y paglisan
Sa kanan ay pasanin

'San libong dahilan
Lahat nito'y akin
'San daang katwiran
Walang isang tutuparin

Hagkan ka man ng hangin
Sa yapos nitong tumatagos lang din
Magluksa ka sa ulan
Nang mga luha'y matabunan natin

Sa gabing lumalalim
Na kahit nalulunod ka na sa dilim
Subalit iyo na ring pinagkatandaan
Wala kang nang dapat harapin

Salungat ang diwa at damdamin
Baluktot sa isip at hangarin
Sa kaliwa'y paglisan
Sa kanan ay pasanin

Comments

Popular Posts